TV5, Kumu, Cornerstone sanib pwersa

NI: Roldan Castro

Lalong pinapalaki ng TV5 ang kanilang platform para sa content partnership.

Sa pamamagitan ng Cignal Entertainment (na nasa ilalim ng Cignal TV), nakipag-partner ang TV5 sa Kumu na sikat bilang isang content streaming platform. Ganoon din sa Cornerstone Entertainment na kilala naman bilang isang premiere multi-media company para sa pinakaaabangan na Pinoy Pop Group talent search ng telebisyon. Ito ang “Top Class, The Rise to P-Pop Stardom”.

Kumu Commercial Chief Officer Paolo Pineda, TV5 President and CEO Robert Galang, Cornerstone Entertainment President Erickson Raymundo and Cornerstone Entertainment Vice President Jeff Vadillo.

Ang contract signing ay naganap sa TV5 Launch Pad na dinaluhan ng mga entertainment giants ngayon – Kumu Commercial Chief Officer Paolo Pineda, Cornerstone Entertainment President Erickson Raymundo and Vice President Jeff Vadillo at Cignal Entertainment/ TV5 President and CEO Robert Galang. Hosted by Markki Stroem.

Ang Top Class ay isang orihinal na talent hunt survival series na susubaybayan ang mundo ng mga susunod na lalaking superstar.

Ibibida ng palabas ang mga batang aspirant na dadaan sa iba’t-ibang challenge na talagang susubukan ang kanilang husay para makamit ang pinaka-inaasam na premyo, ang maging susunod na Filipino Boy Idol Group. Sa tatlumpung aspirant na sasabak sa kompetisyon, lima lang ang makakalusot at magkakaroon ng tsansa na pangunahan ang bagong henerasyon ng mga Pinoy talent.

Wala pang dalawang taon pagkatapos bumalik ng TV5 sa larangan ng entertainment production, patuloy ito na nagbibigay ng platform sa premium content dulot ng mga content partnership. Ang pagsasama ng kanya-kanyang forte ng TV5, Kumu, at Cornerstone Entertainment sa showbiz ay sisiguruhing magiging patok at kaabang-abang ang palabas na ‘to.

Sa patuloy na pagsikat ng Kumu, isang Pinoy live streaming app na ginawa para sa mga Millennial at Gen Z na Pinoy binibigyan ng palabas ng pagkakataon ang mga nangangarap na content creator na makilala at maipakita sa mundo ang kanilang husay at galing. Kung isasama mo pa dito ang galing ng Cornernstone Entertainment (na kilala sa pagmama-manage ng iilan sa mga pinakasikat na artista ng bansa at sa paglikha ng mga award-winning na teleserye tulad ng Niña Niño at Sing Galing), makasisiguro ang madla na magiging top of the line ang palabas na ‘to.

Itong Top Class ay iisa lamang sa mga programa na iaalay ng TV5 sa Summer ng 2022.

Ibibida rin ng programa ang iba-ibang host at mentor na kilalang kilala na sa industriya. Sila ang makakasama ng mga aspirant sa kahabaan ng kompetisyon. Magkakaroon din ng iilang sorpresa na bisita ang programa.

“Coming from a talent management perspective, we’ve handled a lot of some of the country’s biggest stars. And, through this show, we aim to get to create you know, the future of P-pop icons. That’s the goal. With proper training and with the experience that we have in terms of like discovering talents and honing and training them, we feel that we have a good chance of really raising up the future of P-POP through this show,” sambit ng Cornerstone Entertainment’s Vice President Jeff Vadillo

Abangan ang drama at paglalakbay ng ating mga aspirant na nangangarap maging bahagi ng susunod na P-Pop boy group sa nag-iisang Kapatid Network, TV5.

The post TV5, Kumu, Cornerstone sanib pwersa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments