Si Salvador ‘Sal Panalo’ Panelo ang unang kandidato na inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte nang tanungin siya ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar kamakailan sa programang ‘Cabinet Report’ kung sino ang kaniyang sinusuportahan sa parating na halalan.
Muling ibinida ni Pangulong Duterte ang dati nitong chief legal counsel at spokesperson bilang mahusay na public servant at may angking talino upang makapaglingkod bilang Senador. Matatandaan na minsan ng sinabi ng Pangulo na si Panelo ang kaniyang “favorite Senatorial candidate.”
Sinabi ng Pangulo na bilib siya sa galing ni Panelo bilang abogado. “‘Yung pagka-abogado niya, ako mismo abogado, bilib ako sa kaniya. Mas mahusay kaysa sa akin. I seldom admit, but I admit because it is true,” papuri ni Duterte kay Panelo.
Pinuri din ng Pangulo ang pagiging matulungin ni Panelo sa kapwa nito.
“Makikita mo na itong si Panelo is a compassionate man. Matagal ko nang kilala ito e. And he is, magtulong talaga. Itong magsabi si Panelo na gawin ko ‘yan, ginagawa niya for anybody. At ginagawa talaga, and the product is always good, even excellent,” ang sabi pa ng Pangulo.
The post Duterte binida no 1 pambato sa Senado first appeared on Abante Tonite.
0 Comments