Loren palalakasin kabuhayan sa Davao region

Inilatag ni senatorial candidate Loren Legarda ang kanyang legislative plan sa rehiyon ng Davao kapag muli siyang nahalalal sa Senado.

Isinusulong ni Legarda ang matagal na niyang adbokasiya sa pangkabuhayan, trabaho, edukasyon, kalusugan, at infrastructure development.

Sabi ni Legarda, na naniniwalang ang trabaho at kabuhayan ang magiging epektibong exit plan sa pandemya, walang kapagurang makikipag-ugnayan siya sa mga ahensiya ng gobyerno para pondohan ang mga program na magpapalakas sa economic empowerment ng bansa.

Bilang dating chairperson ng Senate committee on finance, tiniyak ni Legarda ang pondo para sa Barangay Kabuhayan Skills Training Program, Training for Work Scholarship Program at Special Training for Employment Program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kung saan libong Dabawenyo ang nakinabang sapul pa noong 2017.

Bukod diyan, itinutulak din ni Legarda ang puspusang implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Davao City at limang lalawigan pa sa Davao region.

Naglagay din ng pondo sa Department of Public Works and Highway (DPWH) para sa pagpapatayo ng flyover sa Tagum City at Montevista-DNAS Road sa Compostela Valley, na kilala ngayon bilang Davao de Oro.

Naglaan din siya na pondo para sa pagpapaganda at rehabilitasyon ng Bunawan at Buhangin District Halls sa Davao City at pagtayo ng gusali ng Social Services and Development Office sa naturang lungsod.

Pinondohan din niya ang pagpapatayo ng mga multi-purpose building sa Compostela Valley State College sa Montevista, New Bataan, Maragusan, at Compostela Main Campus. (Dindo Matining)

The post Loren palalakasin kabuhayan sa Davao region first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments