45,000 katao hinagupit ng bagyong `Agaton’

Umabot na sa 45,000 katao ang apektado sa pananalasa ng bagyong `Agaton’, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Mahigit 23,000 pamilya na rin ang lumikas sa kanilang mga tahanan dahil sa bagyo.

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, apat na rehiyon sa Visayas at Mindanao ang apektado ng bagyo. Kabilang dito ang Region 10 (Northern Mindanao), Region 11 (Davao Region), Caraga at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Mayroon namang 52 evacuation center na ginagamit ng nasa 11,264 na indibiduwal o 3,228 pamilya.

Nasa 67 lugar naman mula sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao region, Caraga at BARMM ang binaha.

Pitong landslide o pagguho ng lupa ang naitala ng NDRRMC.

Ang bagyong `Agaton’ ang unang tropical cyclone na tumama sa Pilipinas ngayong 2022. Nag-landfall ito sa Eastern Samar dakong alas-7:30 ng umaga kahapon. (Kiko Cueto/Sherrylou Nemis/Tina Mendoza)

The post 45,000 katao hinagupit ng bagyong `Agaton’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments