Tinutulak ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang isang panukalang batas na nag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno na magtabi ng hindi bababa sa limang porsyento ng kanilang budget para makalikom ang pamahalaan ng P250 bilyon na magagamit nito sa pagbigay ng direktang ayuda sa milyon-milyong pamilyang Pilipino.
Layon ng House Bill No. 10832 o ang Mandatory Savings Act of 2022 na itulak ang lahat ng kagawaran ng pamahalaan, mga kawanihan, opisina, ahensya, government financial institutions (GFIs), at instrumentalities pati na ang government-owned and controlled corporations (GOCCs) na magtabi ng limang porsyento ng kanilang budget bilang savings sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga aktibidad at programa na hindi esensyal sa kanilang paggana.
Sinumite ni Cayetano ang naturang panukalang batas noong Marso 31, 2022 kasama ang asawang si Taguig 2nd District Rep. Lani Cayetano, Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “Lray” Villafuerte Jr., Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu, at Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez.
“Basically, it’s a legislative authority mandating a five-percent savings then allowing the government the flexibility na gamitin ‘to sa mga dadating na pagsubok,” ani Cayetano sa isang press conference noong Marso 31, 2022.
The post Cayetano suportado sa mandatory savings act first appeared on Abante Tonite.
0 Comments