Maaaring magkaroon ng panibagong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 pagkatapos ng halalan sa Mayo 9, 2022 o sa mga susunod na buwan, ayon sa isang eksperto.
“Puwedeng meron tayong surge of cases, especially after the election,” pahayag ni Dr. Rontgene Solante sa Laging Handa public briefing kahapon.
Si Solante ang hepe ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
“Puwedeng magkahawaan ulit `yong mga nabakunahan na, na hindi pa naka-booster, puwedeng mayroong reinfection,” dagdag niya.
Ayon sa Department of Health, higit 33 milyong Pilipino ang wala pang booster shot laban sa COVID.
Binanggit din ni Solante na may mga indibidwal na hindi na nagsusuot ng face mask kaya posible talagang tumaas ang kaso ng COVID.
“Yung iba di na nagsusuot ng face mask. So ito ay multifactorial na pwedeng tataas ang kaso after election or during the next two to three months,” dagdag ni Solante. (Ansherina Jazul)
The post COVID hawaan sisirit sa Mayo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments