Kelot niratrat ng tanod sa bahay

Nasawi ang isang 48-anyos na lalaki matapos na barilin ng barangay tanod sa kanilang lugar sa San Juan, Batangas Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Perez, taga-Barangay Pulangbato, na namatay noon din dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Nakatakas naman ang suspek na kinilalang si Rodrigo Cortas, 52, residente at tanod ng Barangay Buhay na Sapa sa San Juan din.

Ayon sa report ng San Juan police, dakong alas 10:00 ng gabi, nagkakape ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan sa Barangay Buhay na Sapa nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing binunot ang kanyang baril saka niratrat si Perez.

Hindi pa batid kung bakit pinatay ng suspek ang biktima.

Agad namang nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad subalit bigong masakote ang suspek. (Ronilo Dagos)

The post Kelot niratrat ng tanod sa bahay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments