Tulak swak sa P1M shabu buy-bust

Timbog ang isang lalaking tulak habang mahigit P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam matapos na kumagat ang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nadakip ng mga tauhan ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cabanatuan City Police Station ang suspek na kinilalang si Arnold Palioc sa Barangay Bantug Bulalo.

Nakumpiska umano kay Palioc ang iligal na droga na nakapaloob sa 21 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet at dalawang knot-tied transparent plastic.

May timbang ito na 150 gramo at nasa P1,020,000 ang kabuuang halaga.

Kinasuhan si Palioc ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Sherrylou Nemis)

The post Tulak swak sa P1M shabu buy-bust first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments