Digong binarahan buhos pondo sa mga proyekto

Wala nang plano si Pangulong Rodrigo Duterte mag-apruba para sa paglalabas ng malaking halaga ng pera sa mga proyekto ng gobyerno.

Bukod dito, hindi na rin umano magtatalaga pa ang Pangulo ng mga opisyal sa mga bakanteng puwesto sa gobyerno dahil patapos na ang kanyang termino.

Sa kanyang talumpati sa isang dinaluhang aktibidad sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Huwebes, sinabi ng Pangulo na maraming nagtutungo sa kanya sa Davao City at nangungulit pero hindi na siya pipirma pa ng mga appointment dahil tinatapos na lamang niya ang mga dapat gawin sa gobyerno.

“There’s still plenty of work to do. A lot of people are going to Davao because I’m winding up. I’, about to go so a lot of people are scurrying to ask me to. But I won’t anymore, I won’t sign appointments, neither I will approve huge amounts of money for projects,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Duterte nitong Marso na nagsisimula na siyang mag-impake ng mga gamit sa kanyang official residence sa Bahay Pagbabago sa Malacañang Park. (Aileen Taliping)

The post Digong binarahan buhos pondo sa mga proyekto first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments