Muling pinaalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kandidato at mga local government unit na tiyaking nasusunodang mga health protocol para maiwasan ang hawaanng COVID-19.
“We are calling LGUs to strictly enforce the Comelec Resolution 10732 that sets the guidelines on the conduct of campaign activities complying to the health protocols set by IATF,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año nang matanong kung anoang kanyang kautusan ngayong malapit na anghalalan.
Pinayuhan din ni Año ang publiko at mga supporter ng mga kandidato na tiyaking nag-iingat silaupang hindi mahawa ng virus sabay hikayat sa mgaito na magpabakuna na laban sa COVID.
Hinikayat rin niya ang mga organizer ng mgapolitical rally na makipag-ugnayan sa mga LGU at isaalang-alang ang lahat ng health protocol.
Inatasan rin niya ang Philippine National Police (PNP) at mga opisyal ng barangay na magingmapagbantay upang masigurong nasusunod ang mgahealth protocol kontra COVID.
Giit ng kalihim, ang pinakamalaking hamon sa Mayo 9 ay ang paglabas ng bahay ng mahigit 60 milyongbotante na inaasahang boboto sa eleksiyon. (Dolly Cabreza)
The post DILG sinita mga kandidato sa COVID hawaan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments