Ikinatuwa ni dating senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito ang pag-endorso sa kanya ng iba’t ibang political group dahil sa kanyang malinis natrack record.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Ejercito naang kanyang mahahalagang kontribusyon sa healthcare at housing ang siyang dahilan kung bakit maraming grupo ang gusto na makabalik siyasa Senado.
“Unang-una, ‘yong performance natin sa Senado ay naging maayos naman. Dalawang landmark legislation ang ating naipasa: ang UHCL (Universal Health Care Law) at DHSUD (Department of Human Settlements and Urban Development),” aniEjercito.
Sabi ni Ejercito, nagsilbing mayor at congressman bago naging senador, hindi naman mahirap para sasinomang grupo na suportahan ang kanyang pagtakbong muli sa Senado dahil hindi naman siya nasangkot sa anumang uri ng katiwalian.
“Plus the fact na ‘yong ating public service record in 18 years ay wala po tayong issue ng korapsiyon. Wala tayong bahid. Kaya naging magaansiguro tayo dalhin,” diin pa ni Ejercito.
Sapol nang magsimula ang kampanya, sumasama siEjercito sa pag-iikot ng mga presidential candidate.
Samantala, suportado rin ni Liberal Party slatwart at Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagbabalik ni Ejercito sa Senado.
Suportado rin si Ejercito ng iba’t ibang lider politiko katulad nina Iloilo City Rep. Julienne Baronda at ng dating chief political officer niyana si Iloilo City Mayor Jerry Trenas.
Ang Iloilo City at lalawigan ng Iloilo ay kilalang balwarte ng Liberal Party. (Dindo Matining)
The post JV Ejercito arangkada balik Senado sa malinis na track record first appeared on Abante Tonite.
0 Comments