Sinermunan ni utol, estudyante sinaksak ang sarili

Nasawi ang isang estudyante nang dalawang beses nitong saksakin ang sarili matapos pagalitan ng nakakatandang kapatid habang nag-iinuman sa kanilang bahay kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Hindi na naisalba sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang 20-anyos na biktima dahil sa tinamong dalawang saksak sa dibdib.

Nag-ugat umano ang pagpapakamatay nito nang pagalitan ng kanyang kuya kaugnay sa pagkamatay ng isa nilang kapatid noong nakalipas na taon.

Lumalabas na sinisisi ang biktima dahil wala itong nagawa para maisalba ang buhay ng kanilang kapatid.

Alas-10:55 ng gabi nang marinig pa ang biktima na nagsalita ng “akala ninyo nagbibiro ako” kasunod nito ay kumuha ng kutsilyo at dalawang ulit sinaksak ang dibdib.

Ayon sa ama ng biktima, una nang nagtangkang magpakamatay ang biktima pero napigilan. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Sinermunan ni utol, estudyante sinaksak ang sarili first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments