5 taon sa mga barangay kapitan pinoporma ni BBM

Pinag-aaralan ng papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na pahabain ang termino ng mga opisyal ng barangay.

Kasabay nito, sinabi ni Executive Secretary-designate Vic Rodriguez na pinag-aaralan na rin ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sa Disyembre 2022.

“We are studying thoroughly the plus and the minuses of spending or calling for elections and there is nothing definite yet,” sabi ni Rodriguez sa isang event kasama ang mga opisyal ng barangay sa Quezon City noong Huwebes.

“But we are open to all options that are being presented to us including the possibility of passing a law and making the term of barangay captains to five years, still subject to three terms,” sabi pa ni Rodriguez.

Kung magiging limang taon umano ang termino ng mga opisyal ng barangay mula sa kasalukuyang tatlong taon ay mas mapagaganda ang pamamahala sa mga barangay.

“For me as a former barangay captain, I think mas may wisdom na gawin nating five years `yan kesa extension, extension, extension, and extension because we are working against the spirit of our law, the bible of the local government units – the 1992 Local Government Code. So instead of violating the spirit of the law, we might as well extend natin siguro ‘yan and provide stability in your leadership, provide stability in governance,” ani Rodriguez.

Noong 2019, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11462 upang ipagpaliban ang May 2022 election para sa barangay at SK at itinakda ito sa Disyembre 2022. Huling nagkaroon ng halalan para sa barangay at SK noong Mayo 2018. (Billy Begas)

The post 5 taon sa mga barangay kapitan pinoporma ni BBM first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments