Bebot lumipad sa condo, dedo

Posible umanong nagpatiwakal ang hindi pa nakilalang babae sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali at bumagsak sa ikaanim na palapag ng isang condominium sa Quezon City, nitong Martes ng umaga.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ika-7:00 ng umaga nang madiskubre ang nakabulagta at duguang katawan ng biktima sa 6th floor ng isng condo sa Brgy. Sto. Cristo, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Alvin Bolastig, nagroronda ang security guard na si Theresa De Castro sa bisinidad ng condo nang mabungaran ang nakabulagtang biktima.

Agad itong ipinagbigay alam ng guwardiya at inireport sa mga awtoridad kung saan nagsasagawa pa ng masusing pagsisiyasat. (Dolly B. Cabreza)

The post Bebot lumipad sa condo, dedo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments