Pulis hinabol ng itak, `praning’ binoga

Isang lalaking armado ng itak at sinasabing may diprensya sa pag-iisip ang nabaril at napatay makaraaang manghabol ng taga at agresibong atakihin ng dalang armas ang nagrespondeng pulis para siya pasukuin sa Barangay Sto. Tomas, Sta.Maria, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting Provincial Director ng Bulacan PNP, ang 42-anyos na suspek na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan bunga ng tama ng bala sa katawan.

Sa inisyal na imbistigasyon, sinasabing bigla na lamang nag-amok ang suspek habang armado ng itak at nanghabol ng taga sa mga residente sa Barangay Sto.Tomas at masuwerting wala itong inabutan sa kanyang mga hinabol matapos sumpungin sa sakit sa pag-iisip.

Dito na nagresponde ang Sta. Maria police sa supervision ni P/Lt.Col.Voltaire Rivera, Chief of Police para pakalmahin ang armadong suspek ngunit sa halip na sumuko ay bigla nitong sinugod ng taga ang nagrespondeng pulis kaya wala silang nagawa kundi barilin ito.

Nang duguang bumulagta ay agad nila itong isinugod sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival. (Jun Borlongan)

The post Pulis hinabol ng itak, `praning’ binoga first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments