Iginiit ng isang opisyal ng Kamara ang pagbibigay ng karagdagan pang cash subsidy o ayuda sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan at sa mga lubhang apektado ng mataas na presyo ng langis tulad ng mga magsasaka at mangingisda.
Iminungkahi ni House Deputy Speaker Isidro Ungab na himayin ang ilang bahagi ng budget upang magamit sa ayuda.
“The government may study the possibility of setting aside some projects and reallocate a portion of the budget, to be used as cash subsidies, or for transpo ayuda, for our kababayans to obtain some assistance during this crisis,” paliwanag ni Ungab.
Alinsunod umano ang naturang mungkahi ni Ungab sa plano ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng ayuda ang mga apektado mg patuloy na taas-presyo ng langis upang makaagapay ang mga ito. (Eralyn Prado)
The post Budget pinapipiga sa dagdag-ayuda first appeared on Abante Tonite.
0 Comments