EDSA Busway libreng sakay hanggang July 31 – LTFRB

Sa kabila ng pagtatapos ng Libreng Sakay program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Hunyo 30, itutuloy pa umano ang libreng serbisyo sa ruta ng EDSA Busway Carousel hanggang Hulyo 31.

“We want to extend the program,” wika ni LTFRB Executive Director Tina Cassion sa panayam ng ANC.

Subalit kinakailangan aniya nila ng karagdagang pondo para maipagpatuloy ang libreng sakay sa EDSA Busway.

Paliwanag ni Cassion, pinalawak ang Libreng Sakay program sa 942 ruta sa buong bansa ngayong taon kaya naman naubos na ang 80% sa nakalaang pondo ng programa.

“Even if we say that the funds are exhausted, but because of the widespread participation, we can say that more and more commuters were served, especially high-volume routes were served, that’s why people are really clamoring for the extension,” wika ni Cassion.

Karamihan umano sa mga ruta, hanggang Hunyo 30 na lang ang libreng sakay. Ngunit paabutin hanggang Hulyo 31 ang libreng sakay sa mga ruta ng EDSA Busway at rutang Montalban-Quezon. (Mark Joven Delantar)

The post EDSA Busway libreng sakay hanggang July 31 – LTFRB first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments