Tumaas pa sa 53% ang daily average ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakalipas na linggo.
Ayon sa lingguhang COVID-19 update ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, mula Hunyo 20 hanggang 26 nakapagtala sila ng 4,634 bagong kaso.
“Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 662, mas mataas ng 53 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 13 hanggang 19,” sabi ng DOH.
Nabatid na sa mga bagong kaso, nakapagtala ng 591 na kritikal sa karamdaman at 51 ang namatay.
“Noong ika-26 ng Hunyo 2022, mayroong 591 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,628 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 391 (14.9%) ang okupado. Samantala, 18.1% ng 22,251 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit,” ayon pa sa DOH. (Juliet de Loza-Cudia)
The post COVID pumalo sa 53%, 591 kritikal first appeared on Abante Tonite.
0 Comments