Tulfo kay Marcos: Madugong drug war tuldukan

Hiniling ni Senator-elect Raffy Tulfo sa susunod na administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na wakasan ang madugong giyera kontra ilegal na droga.

Mungkahi ni Tulfo na bumuo na lang ng rehabilitation program para sa mga lulong sa droga.

“`Wag na dapat maging bloody. For me, that doesn’t make sense,” sagot ni Tulfo sa tanong ng mga reporter.

Sabi ng bagitong senador, pabor siya sa agresibong kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa problema ng ilegal na droga sa bansa at maaaring ipagpatuloy ito ng administrasyon ni Marcos.

Subalit iminungkahi ni Tulfo sa administrasyong Marcos na magpatayo pa ng maraming rehabilitation center sa bansa para sa mga adik.

“Pero kung ako ay tatanungin, siguro dagdagan `yong [rehabilitation] centers, ire-rehab `yong mga adik kasi napansin ko nung mga first few stages ng anti-drug war ng presidente, maraming nag-surrender sila mismo ang nagpunta sa mga police station,” ani Tulfo.

“Pero after that…pinakawalan din sinusulat ang pangalan… later on malalaman natin bulagta na,” dugtong niya.

“I will advise na kapag may mga sumurender, kapag may identified addicts, siguro I will ask permission ‘Willing ka ba magpa-rehab?’ ‘Yes, willing ako.’ Then in this case libreng rehabilitation center para magbago na ng tuluyan,” sabi pa ni Tulfo. (Dindo Matining)

The post Tulfo kay Marcos: Madugong drug war tuldukan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments