Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahirap durugin ang korapsiyon sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa panunumpa ng mga lokal na opisyal sa Davao City nitong Lunes na pinangunahan ng kanyang anak na si Mayor-elect Sebastian Duterte, sinabi ng pangulo na hindi tuluyang mapupuksa ang korapsiyon subalit puwedeng mabawasan ito.
“Corruption is endemic. It cannot be stopped but it can be minimized,” wika ng pangulo.
Sinabihan din niya ang mga tao na huwag basta maniniwala sa mga nangangako na wawakasan ang korapsiyon sa gobyerno.
“It’s very hard really to stop the corrosive effect of money upon the person,” sabi ng pangulo.
Dagdag pa nito na mababago lamang ng susunod na pangulo ang sistema kapag sinibak lahat ng mga nasa gobyerno sa pamamagitan ng pagdeklara ng Martial Law.
Sa kabila nito, binigyang-diin naman ni Pangulong Duterte na maraming nagawa ang kanyang administrasyon laban sa korapsiyon.(Prince Golez)
The post Duterte aminadong `di madudurog ang korapsiyon first appeared on Abante Tonite.
0 Comments