Digong namimiligrong mabulag

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nanlalabo na ang kanyang mga mata dala ng katandaan.

“Ang mata ko, nagdodoble na yung… You know I am 77 years old,” pahayag ni Duterte sa inspection ng National Academy of Sports sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Sinabi pa ng outgoing chief executive na hindi malayong mabulag na ito sa susunod na taon.

“I don’t know if I’d be able to read next year, any written document for that matter,” dagdag nito.

Taong 2019 nang aminin ni Duterte na may myasthenia gravis, o “nerve malfunction” ito na naging sanhi ng pagbagsak ng kayang eyelid na tumabingi at paghina ng muscle. (Prince Golez)

The post Digong namimiligrong mabulag first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments