Di binati sa monthsary, tinedyer nagbigti

Dahil lang sa hindi pagbati sa kanya ng nobyo sa araw ng kanilang monthsary, winakasan ng isang 17-anyos na babae ang kanyang buhay.

Noong Linggo, Hunyo 12, natagpuang nakabigti sa kanyang kuwarto ang hindi pinangalanang dalagita sa Sta. Fe, Leyte, ayon sa isang ulat.

Ang 7-anyos na kapatid umano ng biktima ang nakakita sa kanyang ate na nakabigti gamit ang kumot.

Ayon sa imbestigasyon, bago ang insidente, nabanggit ng biktima sa kanyang tiyahin ang hindi pagbati sa kanya ng nobyo sa araw ng kanilang monthsary.

Senigundahan naman ito ng ina ng biktima at naniniwalang dahil sa away ng anak at nobyo nito kaya nagpakamatay ang biktima.

Dinala ang biktima sa Schistosomiasis Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival. (IS)

The post Di binati sa monthsary, tinedyer nagbigti first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments