Iginiit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na gawing opsyonal na lamang ang pagsusuot ng face mask sa bansa.
Kasabay ito ng kanyang hirit na alisin na ang deklarasyon ng state of public health emergency sa Pilipinas dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Concepcion, makakadagdag ng kumpiyansa sa publiko kapag binawi na ang state of public health emergency at napapanahon na ito dahil nagbabalik na rin sa normal ang ibang bansa.
Subalit hindi sang-ayon si OCTA Research fellow Dr. Guido David sa suhestiyon ni Concepcion na gawin na lamang opsyonal ang pagsusuot ng face mask.
Nangangamba si David na baka matulad ang Pilipinas sa New York na masyadong maagang nagtanggal ng face mask policy at napasok ng Omicron subvariant.
“Mahirap kung premature na aalisin natin. Nangyari `yan sa New York, inalis na ang face mask tapos nagkaroon sila ng BA.2.12.1. Binalik ang face mask. `Pag manatiling mababa ang cases over the next months, pagpasok ng bagong administrasyon, baka puwedeng pag-usapan, i-relax ang use of face masks outdoors muna, then saka na `yong indoors,” paliwanag ni David. (Issa Santiago)
The post Duterte adviser binuhay tanggal face mask first appeared on Abante Tonite.
0 Comments