Duterte: Gobyerno `wag ipaagaw sa drug cartel

Binilinan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar at pulisya na huwag hayaang lumaylay ang momentum sa kampanya kontra ilegal na droga.

Sa kanyang talumpati kaugnay ng groundbreaking ceremony para sa itatayong Philippine Sports Training Center sa Bagac, Bataan nitong Biyernes ng hapon, hinimok ng pangulo ang mga sundalo at pulis na suportahan ang pagdurog sa industriya ng ilegal na droga sa bansa.

“`Yong iniwan kong momentum sana sa droga, I’m very happy to know that there is zero activity of drugs in this country. But please support any endeavor that would kill the industry of drugs in this country,” sabi ng Pangulo.

Kapag hindi aniya naipagpatuloy ang momentum laban sa ilegal na droga ay masisira ang bansa at maraming kabataan at pamilya ang mawawasak ang buhay.

“Look at Sinaloa of Mexico, Columbia and some parts of Thailand, sila ang mamili ng kanilang mayor, vice mayor at walang magawa ang gobyerno. Go to YouTube and find out how drug is dragging these countries,” wika ng pangulo.

Binanggit din ni Pangulong Duterte ang San Francisco at Los Angeles sa Amerika na pakalat-kalat ang mga tao sa park at mga bangketa dahil sa pagkalulong sa droga.

Maging ang British Columbia sa Canada na dati ay magandang lugar aniya nasira na dahil napabayaan at hinayaang magpunta ang mga adik para magpaturok ng droga, walang huli at gastos ng kanilang gobyerno.

The post Duterte: Gobyerno `wag ipaagaw sa drug cartel first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments