BBM didiskartehan krisis sa pagkain

Bibigyang prayoridad ng administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang seguridad at sapat na supply ng pagkain sa bansa, ayon s kanyang incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kahapon.

Ito’y matapos ang babala ng World Bank, World Trade Organization, United Nations Food and Agriculture Organization at World Food Programme ukol sa nakaambang global food crisis na lubhang tatamaan ang mga mahihirap at mga paunlad pa lamang na bansa tulad ng Pilipinas.

Sa isang pahayag kahapon, tiniyak ni Angeles sa publiko na nakahanda na ang administrasyong Marcos na siguruhin ang metatag na supply ng pagkain at higit na mapahusay pa ang food production.

“Gaya nang nasabi na ni President-elect Marcos, mangangailangan `yan ng agarang tugon, at dapat agaran ding simulan ang pangmatagalang mga solusyon,” ayon kay Angeles

Aminado si Angeles na ang patuloy na kinakaharap na pandemya sanhi ng COVID, krisis sa giyera ng Russia at Ukraine, climate change at mataas na presyo ng langis ang mga pangunahing dahilan ng nakaambang global food crisis.

Aniya, maaaring gamitin ng ibang bansa na apektado ng nakaambang krisis sa pagkain ang mga hakbang na ginawa noong 2007-2008 global food crisis, kabilang ang paghihigpit ng food exports bilang tugon sa problema at maaring gagawin din ito ng Pilipinas

“May mga bansang mapipilitang magsuspinde ng export ng kanilang produkto upang matiyak ang sarili nilang supply ng pagkain at agapan ang pagtaas ng domestic prices sa gitna ng pagsipa ng world prices..it would be a challenge for the Philippines to take similar action,” dagdag pa ni Angeles.

The post BBM didiskartehan krisis sa pagkain first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments