Nakaamba ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, sabi ng Department of Energy (DOE).
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad, posibleng umabot ng P1 ang dagdag-presyo sa diesel habang mas mababa naman sa piso ang inaasahang pagtaas sa kada litro ng kerosene.
Sa kabila nito, sinabi ni Abad na mayroon namang tsansa na bumaba ng kahit katiting o maaaring hindi na gumalaw ang presyo ng gasolina.
Sinabi pa ni Abad na bumaba ngayon ang trading price ng gasolina, diesel at kerosene pero humina naman ang halaga ng piso kontra dolyar.
“Nakita po natin ngayong week ay bumaba po ang ating trading prices, ang gasoline, diesel at kerosene. Unfortunately halos piso po, sa matter of five days, halos piso po ang itinaas ng ating peso convert to US dollar. (Betchai Julian/Kiko Cueto)
The post P1 taas-presyo nakaamba sa krudo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments