Esmi tsugi sa suntok, saksak ng ex

Selos ang naging dahilan ng paghihiwalay at pagkamatay ng isang ginang matapos silang magtalo ng dating live-in partner na nauwi sa pananaksak ng lalaki kamakalawa sa Barangay San Antonio, Quezon City.

Target ngayon ng Quezon City Police ang tumakas na suspek na si Eduardo Vergara y Anire, 56, ng Judge Juan Luna St., Barangay Bungad, QC matapos paslangin si Jhendel Pearl Santos y Valderama, 28.

Naganap ang krimen alas-10:28 Sabado ng gabi sa De Jesus St., Barangay San Antonio, Quezon City nang mag-text umano ang suspek sa dating kinakasama na halos 11-taon nagsama, para magbigay ng pera pangsuporta sa kanilang anak.

Nagtalo ang dalawa nang maghiwalay at nakita pa ng kanilang anak na nag-aaway sa kalsada kung saan sinuntok ng ama ang kanyang nanay. Hindi pa nakuntento, bumunot ng patalim at galit na sinaksak ang dating minahal.

Humingi naman ng tulong ang ilang saksi sa krimen at dinala ang biktima sa Quezon City General Hospital for medical treatment subalit dead on arrival na matapos magtamo ng multiple stab wounds. (Vick Aquino)

The post Esmi tsugi sa suntok, saksak ng ex first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments