Tricycle sinalpok ng trak, 2 nadale

PATAY ang isang driver habang sugatan ang pasahero nito nang sumabit ang minamanehong tricycle sa isang pampasaherong jeepney saka nakasalpukan ang isang truck sa Tanza, Cavite, Sabado ng gabi.

Naisugod pa sa ospital sina Anthonino Valles Pagulong, 40, isang tricycle driver at pasahero nitong si Jane Sinigayan Quindara, 41, subalit namatay habang ginagamot si Pagulong.

Kinilala naman ang driver ng pampasaherong jeep na may plakang DXU 900 na si Arsenio Espinosa Pulido, 46, at driver ng trak na may plakang CAH 7783 na si Alvin Zipagan.

Sa ulat ni PSSgt Emerson De Ocampo, ng Tanza Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at jeep naman kay Pulido habang binabagtas ang Tanza-Trece Martires Road sakop ng Brgy Bagtas, Tanza, Cavite patungong Tanza proper at sa hindi malamang dahilan ay sumabit ang kanang bahagi ng tricycle sa jeep alas-10:45 kamakalawa ng gabi,.

Dahil sa pangyayari, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima at inokupahan ang opposite lane ng kalsada na siya namang pagdating ng truck ni Zipagan na nagresulta sa head on collision at pagkamatay ng driver at pagkakasugat ng kanyang pasahero. (Gene Adsuara)

The post Tricycle sinalpok ng trak, 2 nadale first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments