Patay ang isang babaeng barangay kagawad sa panghoholdap na nangyari sa Nasugbu, Batangas.
Kinilala ng Nasugbu police ang biktimang si Gloria Fayton, 64, kagawad ng Barangay Latag.
Sa report ng Nasugbu police, Martes ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakasubsob sa lupa sa remote area ng Sityo Bernanda.
Sa inisyal na imbestigasyon, may sugat ito sa ulo na umano ay pinalo ng matigas na bagay.
Narekober sa crime scene ang isang baseball cap at tubong bakal na hinihinalang ipinalo sa biktima.
Subalit sa autopsy ng Batangas Forensic Unit sa biktima, natuklasang may tama ito ng bala at naiwan ang dalawang slug ng hindi pa matukoy na baril sa katawan nito.
Ayon kay PLTCOL Jephte Banderado, hepe ng Nasugbu police, panghoholdap ang nakikita nilang motibo matapos malamang nawawala ang dala nitong P50,000.00 cash na pinagbentahan nila ng baka.
Bago ang krimen, pinuntahan ng biktima ang anak na lalaki na nakikipag-inuman sa kanilang barangay upang kunin ang pinagbentahan ng baka at saka naglakad pauwi.
Sa report, nakita pa ng isang witness ang biktima noong Lunes ng gabi na naglalakad pauwi at sinusundan ito ng isang lalaking alyas Wilo.
Positibo ding sinabi ng witness na ang nakitang sumbrero sa crime scene ay siyang suot ni Wilo nang gabing makita niya ito.
Patuloy ang operasyon ng Nasugbu police para sa ikadarakip ng suspek. (Ronilo Dagos)
The post Lady kagawad inutas ng holdaper first appeared on Abante Tonite.
0 Comments