National ID gagamitin sa ayuda

Plano ng papasok na Marcos administration na gamitin ang National ID para masiguro na makararating ang tulong ng gobyerno sa mga dapat na makatanggap nito.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary-designate Arsenio Balisacan nais ng susunod na administrasyon na pabilisin ang pamimigay ng national ID.

“With respect to the ID system, we believe that we can reduce substantially the leakage so that we can reach more people, more deserving people from the limited resources,” sabi ni Balisacan sa panayam sa telebisyon.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Balisacan na nasa 92 milyong Pilipino ang kuwalipikadong makakuha ng national ID. Ang pinapayagan na kumuha nito ngayon ay limang taong gulang pataas.

Ayon sa PSA mahigit 10 milyong Pilipino na ang nakatanggap ng kanilang Philippine Identification (PhilID) card hanggang noong Abril 30. (Billy Begas)

The post National ID gagamitin sa ayuda first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments