Marcoleta suportado ng power consumer group bilang Energy secretary

Inendorso ng National Center of Electric Cooperative Consumers Inc. o NCECCO si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta bilang susunod na Energy secretary.

“NCECCO hereby pledges its support to Rep. Rodante D. Marcoleta and reiterates its endorsement of him to be the next Secretary of the Department of Energy (DOE),” sabi ng power consumer group, na may apat na milyong miyembro, sa inilabas na pahayag noong Hunyo 18.

Iginiit ng NCECCO na mahalagang pumili ang bagong administrasyon ng kalihim ng Department of Energy (DOE) na hindi lamang sanay sa paglutas ng mga problemang pambansa, kundi isang taong may puso para sa masa at isang taong nakaranas ng kalagayan ng mga marginalized na tao para sa tamang pananaw.

Binanggit din ng NCECCO ang ilang mga nagawa ni Marcoleta, kabilang ang pagiging kampeon sa mga hakbang sa libreng edukasyon sa kolehiyo, libreng irigasyon, access sa universal health care at ang Magna Carta of the Poor, bukod sa marami pang iba.

Naniniwala rin ang grupo na matagumpay na nagamit ni Marcoleta ang mga kapangyarihan sa pangangasiwa ng lehislatura sa pamamagitan ng pag-apela ng pananagutan mula sa mga ahensya ng gobyerno at mga public utility.

Bagama’t nanumpa na si Marcoleta bilang kinatawan ng SAGIP party-list, maaari pa rin siyang italaga sa anumang posisyon sa gabinete ng papasok na administrasyon ngunit kailangan niya munang lisanin ang kanyang posisyon sa Kamara.

The post Marcoleta suportado ng power consumer group bilang Energy secretary first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments