Natutulog na obrero hinataw ng tubo

TULUYAN nang hindi nagising sa pagkakatulog ang isang construction worker nang paghahampasin sa ulo ng kanyang kainuman bilang ganti sa panununtok sa kanya gamit ang isang tubo sa Imus City, Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si John Robert Irinco, 31, binata. Arestado naman ang suspek na si Antonio Laperap, 40, may-asawa, isa ring construction worker.

Sa ulat ni Corporal Joselle Hernandez, ng Imus City Police Station, bago naganap ang insidente ay nag-inuman pa ang biktima, suspek at mga katrabaho sa loob ng kanilang barracks sa Block 16 Lot 10, Barcelona St., Pallas Athena Executive Village, Brgy Anabu 2-C, Imus City, Cavite.

Sa gitna ng inuman ay nagtalo ang dalawa na nauwi sa panununtok ng biktima sa suspek.

Hindi naman pumalag at gumanti ang suspek hanggang sa umalis ang biktima at natulog sa kanilang barracks.

Lingid sa kaalaman ni Irinco, sinundan siya ng suspek sa lugar at walang habas na pinagpapalo sa ulo gamit ang isang tubo na nagresulta sa kanyang kamatayan. (Gene Adsuara)

The post Natutulog na obrero hinataw ng tubo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments