Ulo ng panaderya owner pinasabog

Dead on the spot ang isang negosyante makaraang malapitang paputukan sa ulo ng hindi pa nakilalang gunman sa Quezon City, nitong Lunes ng hapon.

Ang biktima ay si Christopher Reyes Siatan, 39, may-asawa, bakery owner, residente ng No. 100 Francisco St., Brgy. Baesa, Quezon Cty.

Sa inisyal na report, ng Talipapa Police Station 3, ng Quezon City Police District (QCPD), ala-1:45 ng hapon (June 20) nang maganap ang insidente sa bakery na pag-aari ng biktima sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon nina CMS Edwin Dela Cruz at PCpl Sherwin Rodriguez, abala umano sa paglilinis sa kusina ng bakery ang asawa ng biktima na si Jenalyn nang makarinig ng isang malakas na putok ng baril.

Agad siyang lumabas sa tindahan at tumambad sa kanya ang nakabulagta at duguan niyang mister.

Ayon naman sa mga nakasaksi sa insidente, isang hindi kilalang lalaki na armado ng ‘di pa batid na kalibre ng baril ang nakitang lumapit sa bakeshop at matapos paputukan ang biktima ay mabilis nang tumakas.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaril at kung sino ang salarin. (Dolly Cabreza)

The post Ulo ng panaderya owner pinasabog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments