Survey: Mga Pinoy worker pinaka-stress sa Southeast Asia

Lumabas sa isang survey na ang mga manggagawa sa Pilipinas ang pinaka-stress sa buong Southeast Asia.

Batay ito sa State of the Global Workplace: 2022 Report na inilabas ng Gallup, isang American survey firm.

Ayon kay Gallup chief executive John Clifton, kaya ang Pilipinas ang may pinaka-stress na mga manggagawa ay dahil nahihirapan umano maipatupad ng mga Pilipino ang work-life balance.

“The pain from work has caused leaders to invent new ways to get as far from work as possible. Movements to attain ‘work-life balance,’ implement four-day workweeks and expand remote work are now everywhere,” sabi ni Clifton.

Mula sa 1,000 na-survey na Pilipino, kalahati umano rito ang nagsabi ng ‘oo’ nang tanungin kung stress ba sila sa trabaho.

Ito ang lumabas na resulta ng survey: Pilipinas (50%), Thailand (41%), Cambodia (38%), Myanmar (37%), Vietnam (35%), Singapore (34%), Laos (32%), Malaysia (27%) at Indonesia (20%). (Ansherina Jazul)

The post Survey: Mga Pinoy worker pinaka-stress sa Southeast Asia first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments