Isang giant lapu-lapu ang nahuli ng isang mangingisda sa bayan ng Quezon sa Palawan.
Sa Facebook post ng Thunder News Philippines, ang nasabing isda ay tumitimbang ng 94 kilos.
Nahuli umano ito sa pangangawil o pamimingwit ng mga mangingisda sa karagatan ng Purok Mandaragat, Brgy. Alfonso Xlll.
Kilala din ito sa tawag na Kugtong sa salitang Karay-a o Hiligaynon ng mga lokal na mangingisda sa lugar.
Ang higanteng Lapu-lapu o giant grouper ay nahuhuli lamang sa malalim na bahagi ng karagatan.
Ngunit may pamahiin ang ilan na nagpapahuli lamang umano ang ganitong mga malalaking isda kapag may mga kalamidad na parating o nangyari na tulad ng lindol at bagyo bilang babala. (Ronilo Dagos)
The post Higanteng lapu-lapu nabingwit sa Palawan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments