Ni: ARCHIE LIAO
Sa ika-70 edisyon ng FAMAS, namakyaw ng awards ang musical drama na Katips:The Movie ng Philstagers Films na showing na sa Agosto 3. Nagkaroon ito ng advance screening sa Gateway last year.
Wagi ito ng major awards para sa kategoryang best picture, best actor at best director para kay Vince Tañada at best supporting actor naman para kay Johnrey Rivas.
Nag-uwi rin ito ng technical awards for best cinematography, best original song,at best musical score.
Panalo naman ng best actress si Charo Santos para sa pelikulang Whether The Weather is Fine samantalang nakopo ni Janice de Belen ang tropeo para sa best supporting actress para sa pelikulang Big Night.
Nakuha naman ni Jun Lana Ang best screenplay award para sa Big Night samantalang nag-uwi ng dalawang tropeo para sa kategoryang best editing at best sound ang A Hard Day.
Tinanghal namang best visual effects ang My Amanda.
Exemplary Awardee on Public Service si Senator Imee Marcos at Lifetime Achievement Awardee naman si Tessie Agana.
FPJ Memorial Awardee naman si Senator Jinggoy Estrada samantalang Susan Roces celebrity Awardee ang National Artist for Film na si Nora Aunor.
Pinarangalan naman bilang FAMAS presidential Awardee si Congressman PM Vargas
Naluklok naman sa Hall of Fame sina Allen Dizon for acting at Jess Navarro for editing.
0 Comments