Infra project ni PBBM pondohan ng P500B yearly

Hinimok ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang Kongreso na suportahan ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ituloy at palawigin pa ang ‘Build, Build, Build’ initiative ng nakaraang administrasyon.

Sinabi ni Villafuerte na dapat payagan ng Kongreso si Marcos na gumastos ng P500 bilyon kada taon sa loob ng tatlong taon sa mga infrastructure project sa Health, Education, Agriculture, Livelihood, Information Technology and Tourism (HEAL IT) sectors.

Sa pamamagitan ng programa, sinabi ni Villafuerte na makalilikha ng milyong trabaho, maabot ang target ng Pangulo na 6.5%-8% paglago sa ekonomiya, mababawasan ang kahirapan at maitataas ang bansa sa upper middle-income.

Inihain ni Villafuerte, Camarines Sur Representatives Miguel Luis Villafuerte at Tsuyoshi Anthony Horibata, at Bicol Saro Party-list Rep. Nicolas Enciso VIII ang House Bill 271 na naglalayong maglaan ng P1.5 trilyong sa imprastraktura sa tatlong sunod na taon. (Billy Begas)

The post Infra project ni PBBM pondohan ng P500B yearly first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments