Rider na senior tepok sa salpok

NASAWI ang isang 62-anyos na rider nang banggain ang minamaneho niyang motorsiklo ng isang Isuzu van sa Silang, Cavite, Biyernes ng umaga.

Naisugod pa sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si Pablito Vargas, isang security guard, taga-Makiling, Calamba, Laguna habang ang driver ng isang kulay puti na Isuzu van, na may plakang NCC9978 ay minamaneho ni Rolando Sabalo, 55, ng Las Pinas City.

Sa ulat ni PSSgt Teddy Labampa ng Silang Police Station, alas-9:45 kamakalawa ng umaga nang maganap ang insidente kung saan kapwa bumabagtas ang biktima at suspek sa Aguinaldo highway, Brgy Lalaan-2, Silang, Cavite.

Sinasabing inokupa ng driver ng van ang kabilang lane kung saan parating ang biktima kaya nito nabangga na siyang ikinasawi ng matanda. (Gene Adsuara)

The post Rider na senior tepok sa salpok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments