Boracay dinadagsa ng mga dayuhang turista

Tumataas umano ang bilang ng mga dayuhang turista na bumibisita sa Boracay.

Ayon kay Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr. ito ay magandang senyales na bumabangon na ang ekonomiya ng probinsya at ng bansa.

Batay sa datos ng municipal tourism office ng Malay, Aklan, sinabi ni Haresco na 6,873 foreign tourist ang pumunta sa Boracay noong Hunyo, mas mataas kumpara sa 4,268 noong Mayo, 4,737 noong Abril at 2,533 noong Marso.

“The revival of the tourism industry, especially of famed destinations like Boracay Island, will be key to providing more local jobs and boosting our economic recovery,” sabi ni Haresco.

Ang hamon umano ngayon, ayon kay Haresco ay mapanatili ang pagpapatupad ng health and safety protocols.

Noong 2019, ang tourism industry ay nag-ambag ng 12.8% sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Pero dahil sa international travel restrictions na ipinatupad dahil sa COVID-19 ay bumaba ito sa 5.4% noong 2020, ayon sa solon.

Ayon pa sa mamba¬batas mayroon umanong 4.68 milyong trabaho sa industriya ng turismo noong 2020 o 11.9% ng kabuuang bilang ng trabaho sa bansa, bumaba mula sa 5.7 milyon noong 2019. (Billy Begas)

The post Boracay dinadagsa ng mga dayuhang turista first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments