DOT sasaklolo sa mga apektado ng Banaue landslide

Masusing nakikipag-ugnayan ang Department of Tourism (DOT) sa local government unit ng Banaue, Ifugao province at concerned national government agencies kasunod ng serye ng mudslide at flash flood na dulot ng walang humpay na pag-ulan nitong nakaraang Huwebes.

Mismong si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang nakipag-ugnayan kay Banaue Municipal Mayor Joel Bungallon para mag-alok ng agarang tulong para sa transportasyon ng mga istranded na mga turista at iba pang tulong na maaaring kaila¬nganin ng LGU mula sa DOT.

Hiniling din ni Frasco ang rapid assestment ng The Banaue Hotel na pinatakbo ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Autho¬rity, isang attached agency ng DOT.

Sinusuri na ng mga engineer ang nasabing hotel kung saan naganap ang bahagi ng landslide
Nananatiling hamon ang komunikasyon dahil hindi pa bumabalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar. (Betchai Julian)

The post DOT sasaklolo sa mga apektado ng Banaue landslide first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments