Caretaker ng resort nalibing sa burak

Nalibing ng buhay sa putik ang isang caretaker ng resort matapos na matabunan ng gumuhong lupa at burak ang kanilang tahanan sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Abucay, Bataan nitong Sabado.

Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Roselyn dela Cruz, 27-anyos, sa ilalim ng putik kung saan din natabunan ang isang kotse sa kanilang lugar matapos ang pagguho bandang alas-2:00 ng madaling-araw.

Ayon kay Abucay Police chief Maj. Dennis Bautista Duran, humingi ng tulong sa kanila ang ama ng biktima, na nakatira sa katabing bahay ng anak, nang madiskubre niya ang nangyari sa kanilang lugar ganap na alas-7:00 ng umaga.

Agad na kumilos ang mga tauhan ng Abucay Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Metro Bataan Development Authority at lokal na pamahalaan ng Abucay para sa search and rescue operation.

Sinabi ni Duran na nagpadala na ng mga tauhan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Mines and Geoscien-ces sa Region 3 para matukoy ang dahilan ng pagguho ng lupa ng sa gayon ay hindi na maulit ang nasabing trahedya. (Kiko Cueto)

The post Caretaker ng resort nalibing sa burak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments