Sa halip na magsuot ng Filipiniana, isang damit ng tradisyonal na tribo sa Davao City ang gagamitin ni Vice President Sara Duterte sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 25.
Ayon kay Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte gagawin ito ng bise presidente bilang pagkilala sa Bagobo Tagabawa tribe sa Davao City.
Pero hindi umano matatapos sa oras ang ipinapagawang damit kaya manghihiram na lamang si Duterte ng damit.
“Unfortunately, an entire ensemble would take over a month to make by tribal artisans, which will not make it on time for Monday’s SONA,” sabi ni Munsayac.
Hihiramin umano ni Duterte ang Bagobo Tagabawa traditional dress ni Bae Sheirelle Anino, ang Deputy Mayor ng Tagabawa tribe sa Davao City. (Billy Begas)
The post Sara hihiram ng pang-SONA first appeared on Abante Tonite.
0 Comments