Mga armas, bomba nasilat sa gun-for-hire

Sari-Saring armas at mga pampasabog ang nakumpiska ng pulisya sa raid sa bahay ng isang umano’y miyembro ng gun for hire group sa Tiaong, Quezon nitong Huwebes.

Hindi naman naaresto ang umano ay may-ari ng mga armas at target ng operasyon na si Vicente Herrera na nagkataong wala sa bahay nang isilbi ng CIDG Quezon PFU at Quezon PNP ang search warrant sa kanilang tahanan sa Barangay Anastacia alas-6:40 ng umaga.

Kinustodiya naman ng mga awtoridad ang nadatnang maybahay at 2 anak na lalaki ng suspek.

Sa report ng Quezon PNP, nakuha sa raid ang 12 ibat-ibang klaseng baril, 3 granada at sangkaterbang mga magazine at mga bala na pawang walang papeles.

Kabilang sa nakuhang mga baril ang tatlong kalibre .45, isang Caliber 45 Thompson submachine gun, isang US Carbine at 3 shotgun.

Ayon pa sa report, ang 52- anyos na si Herrera ay miyembro ng gun for hire group na nag-ooperate sa Calabarzon. (Ronilo Dagos)

The post Mga armas, bomba nasilat sa gun-for-hire first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments