Lady tulak, 2 pa kalaboso sa droga

Arestado ang tatlo katao kabilang ang isang babae dahil sa pagtutulak ng iligal na shabu sa isang buy bust operation kahapon ng madaling araw sa panulukan ng Sagrada Familia at Granate Sts., San Andres Bukid, Maynila.

Nakadetine sa Manila Police District-Police Station 6, ang suspek na sina Aster Alfonso alyas Tim, 27, at Rodolfo Veros, 36; at Rose Gay Castro, 35, pawang taga-San Andres Bukid, Maynila.

Naganap ang buy bust operation, alas-2:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalagang P13,600 at P200 buy bust money. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Lady tulak, 2 pa kalaboso sa droga first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments