Nanagasang RAV4 driver puwede umiskor ng awto

Maaari pa ring makabili at makapagpare­histro ng sasakyan ang SUV driver na nag-viral matapos makunan ng video ang pag-araro niya sa isang security guard sa Mandaluyong City kamakailan.

Paliwanag ni Romeo Vera Cruz, bagong Land Transportation Office (LTO) officer-in-charge, walang awtoridad ang ahensiya upang hara­ngin si Jose Antonio Sanvicente na makapagparehistro ng kanyang sasakyan.

“Wala po tayong authority to do that kasi it is his right to buy a motor vehicle. Iba lang ang mag-drive, huwag lang siya, kasi wala siyang license,” ani Vera Cruz sa TeleRadyo kahapon.

Sakali aniyang mahuli si Sanvicente na nagmamaneho kahit walang lisensiya, sinabi ni Vera Cruz na maaari siyang hulihin. (Issa Santiago)

The post Nanagasang RAV4 driver puwede umiskor ng awto first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments