Pinasasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang 2 money changers at ang mga may-ari nito sa pagnenegosyo.
Sabi ng BSP, diskwalipikado na sa money service business ang Nanay Melpops Money Changer ng Unit No. S-7 sa Corcel Arcade Building sa Domestic Road, Pasay City at ang Sports Den Money Changer sa Sto. Rosario, Angeles City, Pampanga.
Diskwalipikado na rin ang mga may-ari nitong si Magdalena E. Narisma, ng Nanay Melpops at si Maria Carmela Tayag Arceo ng Sports Den, sa pagrerehistro sa BSP o pagkuha ng lisensiya sa anumang negosyo na BSP ang nagbabantay.
Ito ang pangalawang beses na nagpasara ang BSP ng money changer. (Eileen Mencias)
The post 2 money changer, pinasasara ng BSP first appeared on Abante Tonite.
0 Comments