Ngayong batas na ang panukalang naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga bata laban sa online sexual abuse, maitotodo na ng mga law enforcer ang pagpuksa nito.
Ayon kay dating Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na siyang may-akda ng RA 11930, wala nang dahilan upang hindi ito masawata ng mga awtoridad partikular ang pagsawata sa mga exploita¬tive materials online kung saan ginagamit ang mga bata.
“Law enforcers now have Republic Act 11930 “to greatly help them in their efforts to catch the violators, gather needed evidence, build solid cases, and prosecute them effectively in court,” ayon kay Fortun.
Umaaasa si Fortun na agad makakapaglabas ang mga kinaukulang ahensiya ng implementing rules and regulations IRR para dito at mahalaga rin na sanayin ang mga pulis, NBI at iba pang implementors sa labas na kung saan naglipana ang mga kriminal. (Eralyn Prado)
The post Giyera sa online sexual abuse itodo na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments