Puring-puri ni United States Secretary of State Antony Blinken ang mga Filipino nurse na nagtatrabaho sa Amerika at nag-aalaga sa kanilang mamamayan.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na sa courtesy call ni Blinken kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Malacañang kahapon ng umaga ay inihayag nito ang paghanga sa mga Filipino nurse at tinawag na mga ‘anghel’ dahil sa pangangalaga sa kanyang mga kababayan.
“Secretary Blinken also hailed Filipino nurses in the United States, calling them “angels who are caring in so many ways,” ani Angeles.
Sa courtesy call, sinabi ni Angeles na maraming isyu ang napag-usapan nina Pangulong Marcos at Blinken na may kinalaman sa defense and security cooperation, enerhiya, pagtugon sa epekto ng climate change, agrikultura, food security, COVID19 at iba pa.
Tiniyak naman aniya ng presidente ang patuloy na magandang relasyon ng Pilipinas at Amerika dahil matagal ng magkaalyado ang mga ito. (Aileen Taliping)
The post Mga Pinoy nurse, anghel – Blinken first appeared on Abante Tonite.
0 Comments