Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Magat Dam dahil sa mataas na level nito.
Batay sa talaan ng PAGASA, Hydrometeorology Division, sinimulan ang pagpapakawala ng tubig noon pang Miyerkules at kahapon ay aabot sa 636.06 cubic meters ang pinakawalan ng tubig ng Magat Dam.
Isang gate ng Dam ang bukas na may opening na dalawang metro kung saan mas malaki ang siwang ng gate ngayon kumpara kahapon na one meter ang opening.
Nasa 180.94 meters ang level ngayon ng Magat Dam.
Patuloy ang abiso ng PAGASA sa mga nasa downstream ng Dam na maghanda at i-monitor ang level ng ilog na binabagsakan ng pinakakawalang tubig ng Magat Dam. (Betchai Julian)
The post Magat Dam tuloy sa pagpapakawala ng tubig first appeared on Abante Tonite.
0 Comments