Makati bumuo task force vs monkeypox

Ikinasa ng pamahalaang lokal ng Makati City ang isang task force para bantayan ang mga kaso ng monkeypox sa kanilang lungsod.

Layon nitong maiwasan ang community transmission ng monekypox sa Makati.

Sa kanyang direktiba, sinabi ni Mayor Abby Binay na ang sinomang magpopositibo sa monkeypox na residente ng Makati ay i-isolate at gagamutin sa tatlong gusali ng Makati Friendship Suites sa Barangay Cembo.

Base umano ito sa rekomendasyon ng Makati City Epidemiology and Surveillance Unit.

Samantala, ayon naman sa protocol ng gobyerno, ang mga hinihinalang kaso ng monkeypox ay ire-refer sa Research Institute for Tropical Medicine para sa tamang pagsusuri. (Sherrylou Nemis)

The post Makati bumuo task force vs monkeypox first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments